20
Buraot, isdachu agen
WARNING: What you are about to read is not suitable for the general public. And no, it’s not a sleazy post, you pervert. Because it’s in Tagalog. Unless you can understand my mother language, this post is not for you so go away.
College pa lang ako, naengganyo na akong magsulat sa Tagalog. Kasalanan ni Bob Ong. Yung baliw na lalaki na yun na minulto sa Baguio nung pumunta sya dito at nagturo sakin ng lahat ng synonyms ng salitang “madami” (sandamukal, sandamakmak, sangkaterba, sangmalmal, etsetera) sa libro nyang Macarthur, sya ang may sala. Pero pagkagraduate ko (pramis grumadweyt ako!), nawalan na ako ng interes. Palibhasa naging taga-gawa ako ng asaynment ng mga tamad na porener ng matagal na panahon, kaya parang naalis na sa sistema ko yung kagustuhan na magsulat gamit tong salita na to. Pero dumating ang kontes ni Fedhz at napilitan nagkaroon ako ng tsansang marebyu ang mga blog na dati ay dinadaan-daanan ko lang. At hindi dahil isnab ako. Bente kwatro oras lang kasi ang isang buong araw ko (ikaw ba?). Enter Anak Ni Kulapo.
At huwahahaw naman talaga. Napahanga (na naman) ako ng writing powers ni Buraot. Ngayon, sya naman ang may kasalanan kung bakit gusto ko na namang magsulat sa Tagalog. Para tuloy akong adik na hindi nakahitit ng katol sa loob ng mahabang panahon. Nanginginig ang mga laman ko at kinakati ang kamay na gumawa ng bagong blog. Pigilan nyo ako. Heniway, marami na akong nabasang Tagalog na blog sa buhay ko. Mga tatlo ata. Yung iba, okay lang. Pwede na. Yung iba, pwede na rin. Ibasura. Pero nung nabasa ko si Buraot, parang tumiklop ako sa walo (lukot-lukot pa yun). Lalangawin ata ang binabalak kong blog dahil sa blog nya. Asteg ang mga banat. Medyo bastos pero napapatambling ako sa galak. Maiikli lang ang pautot pero malaman. Isang piktyur lang at ilang salita iyak-tawa na ko agad.
Hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga ang kaligayahan ko o ano. Pero hindi rin. Benta talaga mga dyoks ni Buraot (gusto ko sana lagyan ng malutong na Mr. sa unahan ng pangalan nya, kaya lang parang hindi ata bagay.) Kahit inis na, nakakapraning pa rin. Kaya siguro kahit sabihan na akong halik pwet (kiss ass), sasabihin ko na talaga to: paglaki ko gusto ko maging katulad ni Buraot. Lalaki pa kaya ako, ang tanong? Naghuhumiyaw na ang spell checker ko dahil puro pulang linya ang nyemas na rebyu na to. Kaya kung may mga sfeling errors man, gud lak na lang sa mga babasa. Baw.
P.S. Hindi ko mapagbibigyan ang sadistikong hiling ni Fedhz na gawing purong Tagalog ang post, este, sulating ito. Mahabag ka naman sakin. Oo dinugo na lahat ng dapat duguin sakin sa pagsusulat nito. Pero kung papayagan nyo akong magtext speak, sige. Game ako.







wahaha. gusto ko pure tagalog. dinugo ba ilong mo? hihihi. ano ba yun Bob Ong na un, hihi
tol, wag mo rin kalimutang magdikdik ng calcium sabay hithit. kelangan yun kapag nagme-menopuase… ehe kapag nauubusan ng dugo.
tenkyu nga pala sa rebyu. naaadik ka na magreview ha.
You have a very nice blog skin! Great taste!
huwaw naman! dinugo rin ako pagkabasa ko neto. hanep ka naman talaga magsulat kaye. pano ba to, wala na akong laban sa yo! LOL!
Napatumbling naman ako sa pagbabasa nito. Ang hirap ata mag pure tagalog Fedhz. Hindi kaya ng powers (in tagalog – hindi kaya ng kapangyarihan?– haha!). Okay, bye.
grabe kaye! i didn’t know ang lalim pala ng balon mo nipaghuhugutan ng tagalog. hihihi!
in enjoyed reading your post! as always.
Hindi naman kata-taka, kamangha-ha at kagila-gilalas kung tayo ay humanga sa isang Buraot. Larawan pa lang natatawa na ako, susulat pa kaya? Magaling din kahit sa lenguahe ng english. galing mo ring sumulat ha. Don’t forget to cook ampalaya, kahit talbos lang, pampadagdag ng dugo yan.
nakakatuwa ka marce, i though isdachu agen is a french word…
woohoo marunong ka din naman pala magtagalog kaye akala ko hindi lolz ehehe
mapa english man or tagalog ang galing mong magsulat marce…
di ko rin kayang magsulat ng tagalog lahat…nosebleeding ang labas nyan…
galing ni Mr. Buraot anoh?
napansin ko humurous blogs are owned by intellectuals…
tagalog man or English ang galing talaga ni Mr. Buraot
I like the way he keep his humor post short -a few sentences in building up the punch line that it packs the wallop like “Ang Mahiwagang Tool ni Andoy”
Try to read “Ang Walastik na Bagong Office Policy” ( The New Fantabulous Office Policy) where he laid out memos for Dress Codes to Lunch breaks.