Buraot, isdachu agen

October 20, 2009

in Blogaholic

WARNING: What you are about to read is not suitable for the general public. And no, it’s not a sleazy post, you pervert. Because it’s in Tagalog. Unless you can understand my mother language, this post is not for you so go away.

College pa lang ako, naengganyo na akong magsulat sa Tagalog. Kasalanan ni Bob Ong. Yung baliw na lalaki na yun na minulto sa Baguio nung pumunta sya dito at nagturo sakin ng lahat ng synonyms ng salitang “madami” (sandamukal, sandamakmak, sangkaterba, sangmalmal, etsetera) sa libro nyang Macarthur, sya ang may sala. Pero pagkagraduate ko (pramis grumadweyt ako!), nawalan na ako ng interes. Palibhasa naging taga-gawa ako ng asaynment ng mga tamad na porener ng matagal na panahon, kaya parang naalis na sa sistema ko yung kagustuhan na magsulat gamit tong salita na to. Pero dumating ang kontes ni Fedhz at napilitan nagkaroon ako ng tsansang marebyu ang mga blog na dati ay dinadaan-daanan ko lang. At hindi dahil isnab ako. Bente kwatro oras lang kasi ang isang buong araw ko (ikaw ba?). Enter Anak Ni Kulapo.

At huwahahaw naman talaga. Napahanga (na naman) ako ng writing powers ni Buraot. Ngayon, sya naman ang may kasalanan kung bakit gusto ko na namang magsulat sa Tagalog. Para tuloy akong adik na hindi nakahitit ng katol sa loob ng mahabang panahon. Nanginginig ang mga laman ko at kinakati ang kamay na gumawa ng bagong blog. Pigilan nyo ako. Heniway, marami na akong nabasang Tagalog na blog sa buhay ko. Mga tatlo ata. Yung iba, okay lang. Pwede na. Yung iba, pwede na rin. Ibasura. Pero nung nabasa ko si Buraot, parang tumiklop ako sa walo (lukot-lukot pa yun). Lalangawin ata ang binabalak kong blog dahil sa blog nya. Asteg ang mga banat. Medyo bastos pero napapatambling ako sa galak. Maiikli lang ang pautot pero malaman. Isang piktyur lang at ilang salita iyak-tawa na ko agad.

Hindi ko alam kung mababaw lang ba talaga ang kaligayahan ko o ano. Pero hindi rin. Benta talaga mga dyoks ni Buraot (gusto ko sana lagyan ng malutong na Mr. sa unahan ng pangalan nya, kaya lang parang hindi ata bagay.) Kahit inis na, nakakapraning pa rin. Kaya siguro kahit sabihan na akong halik pwet (kiss ass), sasabihin ko na talaga to: paglaki ko gusto ko maging katulad ni Buraot. Lalaki pa kaya ako, ang tanong? Naghuhumiyaw na ang spell checker ko dahil puro pulang linya ang nyemas na rebyu na to. Kaya kung may mga sfeling errors man, gud lak na lang sa mga babasa. Baw.

P.S. Hindi ko mapagbibigyan ang sadistikong hiling ni Fedhz na gawing purong Tagalog ang post, este, sulating ito. Mahabag ka naman sakin. Oo dinugo na lahat ng dapat duguin sakin sa pagsusulat nito. Pero kung papayagan nyo akong magtext speak, sige. Game ako.



{ 44 comments… read them below or add one }

fedhz October 20, 2009 at 9:18 pm

wahaha. gusto ko pure tagalog. dinugo ba ilong mo? hihihi. ano ba yun Bob Ong na un, hihi

Reply

Mommy Jes December 27, 2011 at 3:41 am

I love bob ong!!!

Reply

BURAOT October 20, 2009 at 11:59 pm

tol, wag mo rin kalimutang magdikdik ng calcium sabay hithit. kelangan yun kapag nagme-menopuase… ehe kapag nauubusan ng dugo.

tenkyu nga pala sa rebyu. naaadik ka na magreview ha. :poo:

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:45 am

ahahahah grabe marunong ka pala gumawa ng tagalog post kaye?

Reply

Mommy Jes December 27, 2011 at 3:42 am

ahahaha uu nga eh nahirapan ako para sa knya :) ) l0l

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:46 pm

hahaha nahirapan ka talaga for kaye? ahahaha

Reply

Mommy Jes December 27, 2011 at 3:41 am

LOL dikdik ng calcium? heheheh d ko na gets pero natwa ko :) ) LOL

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:46 pm

paano nga yun?

Reply

BoeyJoey October 21, 2009 at 11:31 am

You have a very nice blog skin! Great taste!

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:46 am

its not coffee so its not great taste ahahah

Reply

kikamz October 21, 2009 at 3:01 pm

huwaw naman! dinugo rin ako pagkabasa ko neto. hanep ka naman talaga magsulat kaye. pano ba to, wala na akong laban sa yo! LOL!

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:47 pm

hha dinugo ang alin?

Reply

Mara October 21, 2009 at 3:30 pm

Napatumbling naman ako sa pagbabasa nito. Ang hirap ata mag pure tagalog Fedhz. Hindi kaya ng powers (in tagalog – hindi kaya ng kapangyarihan?– haha!). Okay, bye.

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:48 am

ahahaha me ganun? :dazed2:

Reply

sunshine October 21, 2009 at 7:04 pm

grabe kaye! i didn’t know ang lalim pala ng balon mo nipaghuhugutan ng tagalog. hihihi! :angel: in enjoyed reading your post! as always. :baby:

Reply

zoan December 16, 2011 at 5:44 am

malalim talaga:D mga more than 10 meters down yan ehehe

Reply

Mommy Jes December 27, 2011 at 3:43 am

uu nga eh!! grabe mapa tagalog or ingles!! smooth!!!

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:47 pm

ako din naman may mga tagalog posts:D

Reply

fatherlyo October 22, 2009 at 12:09 pm

Hindi naman kata-taka, kamangha-ha at kagila-gilalas kung tayo ay humanga sa isang Buraot. Larawan pa lang natatawa na ako, susulat pa kaya? Magaling din kahit sa lenguahe ng english. galing mo ring sumulat ha. Don’t forget to cook ampalaya, kahit talbos lang, pampadagdag ng dugo yan.

Reply

genefaith March 12, 2010 at 4:44 pm

nakakatuwa ka marce, i though isdachu agen is a french word… :lol:

Reply

zoan March 17, 2010 at 1:58 pm

woohoo marunong ka din naman pala magtagalog kaye akala ko hindi lolz ehehe

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:26 pm

mapa english man or tagalog ang galing mong magsulat marce…

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:26 pm

di ko rin kayang magsulat ng tagalog lahat…nosebleeding ang labas nyan…

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:50 am

bisaya nalang ato isuwat kaha gene? ehehe :cool:

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:27 pm

galing ni Mr. Buraot anoh?

Reply

Algene December 27, 2011 at 11:22 pm

As in! One of the best! :)

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:27 pm

napansin ko humurous blogs are owned by intellectuals…

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:52 am

kaya pala wlang ka humor humor yung sa kin??? :question: :sick: :dazed2: :dead:

Reply

Mommy Jes December 27, 2011 at 3:43 am

i agree gene!!

Reply

Algene December 27, 2011 at 11:20 pm

Sila kasi yung magaling magpresent ng topic nila in a funny way eh. Tapos sapul yung lessons!

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:28 pm

tagalog man or English ang galing talaga ni Mr. Buraot

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:53 am

az in, two thumbs up tayo dyan :thumbsup: :thumbsup:

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:29 pm

I like the way he keep his humor post short -a few sentences in building up the punch line that it packs the wallop like “Ang Mahiwagang Tool ni Andoy”

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:55 am

bah ang galing ng idea ahaha

Reply

genefaith March 18, 2010 at 9:30 pm

Try to read “Ang Walastik na Bagong Office Policy” ( The New Fantabulous Office Policy) where he laid out memos for Dress Codes to Lunch breaks.

Reply

zoan September 3, 2010 at 11:58 am

oo nga ahahah :coffee:

Reply

Algene December 27, 2011 at 11:19 pm

I haven’t read this book yet! Masearch nga!

Reply

Jill December 11, 2011 at 6:52 pm

nasubukan ko na din gumawa ng tagalog blog, hindi ko kinaya, trying hard ang dating kaya pinalitan ko na, eto yung ginagamit ko ngayon. may tagalog pero hindi puro, kabaklaan meron konte. :D

Reply

Mommy Jes December 27, 2011 at 3:44 am

ehhehe mas mahirpa b sis?? ako may tagalog dn n blog pero wala tlga… tlga ako ipinanganak n writer :P

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:51 pm

hahahaha you should try it:)

Reply

Algene December 27, 2011 at 11:18 pm

I also tried making one pero “awkward” kasi yung mga posts ko kaya I decided to delete it nalang.

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:48 pm

haha first blog site ko , tagalog ahahaha

Reply

Algene December 27, 2011 at 11:16 pm

First tagalog post na nabasa ko! :) Gusto mo rin pala si Bob Ong. Hehe

Reply

zoan December 31, 2011 at 7:48 pm

love ko si bob ong, I have all his books

Reply

Leave a Comment

{ 1 trackback }

Previous post:

Next post: